1.) BCG Vaccine – Ito ay binibigay pagkapanganak.
Proteksyon eto laban sa TB or tuberculosis
2.) Hepatitis B Vaccine- Eto ay binibigay sa loob ng 24 oras
pagkapanganak kay baby. Proteksyon eto laban sa
Hepatitis B
3.) PENTA / Pentavalent Vaccine – Eto ay binibigay sa ika 6, 10, 14 weeks ni baby. Proteksyon eto laban sa diphtheria, pertussis, tetanus, hepatitis B at influenza B
4.) OPV / Oral PolioVaccine – Eto ay binibigay sa ika 6, 10, 14 weeks ni baby. Proteksyon eto laban sa polio
5.) IPV / Inactivated Polio Vaccine. Eto ay binibigay sa ika 14 weeks ni baby
Proteksyon eto laban sa polio
6.) PCV / Pneumococcal Conjugate Vaccine – Eto ay binibigay sa ika 6, 10, 14 weeks ni baby. Proteksyon eto laban sa pulmonya at meningitis
7.) MMR / Measles, Mumps, and Rubella Vaccine – Eto ay binibigay sa ika 9 na buwan ni baby at isang taon. Proteksyon eto laban sa tigdas, beke at rubella
Lahat ng eto ay LIBRENG BAKUNA sa HEALTH CENTER Komonsulta sa Health worker sa inyong barangay o Doctor para sa karagdagang impormasyon.
Note: Importante po na itagong mabuti ang Baby’s Book or Record ni Baby para sa tamang record ng pagbibigay ng vaccine.
May mga booster vaccine na kailangan sa paglaki ng iyong anak. Importante po na komonsulta sa Doktor para sa tamang gabay.
#ImportantVaccine #FreeVaccineInDavaoPhilippines